Paglilinis at pag-aalis ng kalat
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Ang paglilinis at pag-aalis ng kalat pagkatapos ng mga wildfire ay isang proseso na may 2 yugto. Puwede mo itong ipagawa nang libre.

Ika-1 Yugto Paglilinis ng mapanganib na basura
Ika-2 Yugto Pag-aalis ng kalat

Ipapaliwanag namin ang mga yugtong ito. Kapag tapos na ang mga ito, handa na para sa muling pagpapatayo ang iyong ari-arian.


Ika-1 Yugto

Paglilinis ng mapanganib na basura

Sa Ika-1 Yugto, nilinis ng U.S. EPA ang mga pang-araw-araw na produkto na nasa iyong tahanan at puwedeng maging mapanganib.

Kabilang sa mga ito ang:

  • Mga baterya
  • Mga panlinis at solvent
  • Mga fertilizer at pesticide
  • Mga pintura at langis
  • Mga propane tank at iba pang pressurized na produkto

Tapos na ang paglilinis ng Ika-1 Yugto. Awtomatiko ito para sa lahat ng residensyal na ari-arian.

Libre para sa iyo ang paglilinis na ito.

Paliwanag sa mga status ng paglilinis

Pagkatapos ma-assess ng EPA ang iyong ari-arian, binigyan nila ito ng status.

Ipinaskil nila ang status na iyon sa isang karatula sa iyong ari-arian.

Puwede mo ring tingnan ang mapang ito ng EPA para sa status ng paglilinis ng iyong ari-arian.

Tapos na ang Ika-1 Yugto

Ang ibig sabihin ng status na ito ay natapos na ng EPA ang kanilang paglilinis.

Gayunpaman, posibleng hindi pa rin ligtas ang iyong ari-arian. Puwedeng mayroon pa ring

  • Mapanganib na basura na nakabaon
  • Mga panganib sa kalusugan tulad ng abo at asbestos
O

Ipinagpaliban sa Ika-2 Yugto

Ang ibig sabihin ng status na ito ay hindi ligtas na malilinis ng EPA ang iyong ari-arian hanggang sa maalis ang kalat.

Lilinisin ito sa Ika-2 Yugto.

Tingnan ang progreso ng Ika-1 Yugto.


Ika-2 Yugto

Pag-aalis ng kalat

Sa Ika-2 Yugto, aalisin ng U.S. Army Corps of Engineers (USACE) ang mga kalat mula sa istraktura.

Kabilang dito ang:

  • Mga napinsalang pundasyon
  • Mga nasirang sasakyan
  • Mga puno na mapanganib
  • Kontaminadong lupa
  • Asbestos
  • Abo

Basahin ang dapat na asahan sa Ika-2 Yugto.

Tingnan ang progreso ng gawaing ito sa mapa ng pag-aalis ng kalat ng USACE.

Tungkol sa pag-aalis ng mga puno

Sa pag-aalis ng kalat, aalisin ng USACE ang mga puno na mapanganib. Ngunit puwede mong hilingin na huwag mag-alis ng puno.

Paano magpaalis ng kalat

Para magpaalis ng kalat, dapat mong piliin na:

Mag-opt in para sa libreng pag-aalis O Mag-opt out para ikaw mismo ang magsaayos at magbayad para sa pag-aalis

Walang gastusin na mula sa sariling bulsa para sa serbisyong ito. Kung mayroon kang insurance, sisingilin ang iyong insurer.

Hindi puwedeng simulan ang pag-aalis ng kalat sa iyong ari-arian hanggang sa makumpleto o maipagpaliban ang paglilinis sa Ika-1 Yugto.

Mag-opt in bago matapos ang deadline

Para makakuha ng libreng pag-aalis ng kalat, dapat kang mag-opt in nang hanggang Abril 15, 2025.

Mag-opt in para sa libreng pag-aalis

Para kumpletuhin ang form para sa pag-opt in, kakailanganin mo ang

  • Impormasyon sa pakikipag-ugnayan at mga lagda ng lahat ng may-ari ng ari-arian
  • Numero ng impormasyon ng assessor, o AIN
  • Impormasyon ng insurance ng mga homeowner (kung insured ka)
  • Impormasyon ng sasakyan para sa anumang nasirang sasakyan sa ari-arian

Kung mag-o-opt out ka, ikaw mismo ang gagastos

Kung mag-o-opt out ka sa libreng pag-aalis ng kalat, ikaw mismo ang magsasaayos at magbabayad para sa serbisyong ito.

Kumplikado at mahal ang prosesong ito. Dapat kang:

  • Mag-arkila ng lisensyadong specialized na kontratista
  • Makakuha ng pag-apruba at pahintulot mula sa County ng LA
  • Mag-hire ng sertipikadong consultant para maipatingin kung may asbestos ang iyong ari-arian
  • Tiyaking sinusunod ng iyong kontratista ang lahat ng panuntunan ng gobyerno para sa ligtas na pag-aalis ng kalat

Paano mag-opt out

Kung pipiliin mong mag-opt out, magsumite kaagad ng form para sa pag-opt out sa County ng LA.

Mahalagang maisumite ang form na ito para masimulan ng county ang libreng pag-aalis ng kalat para sa iyong mga kapitbahay.

Kakailanganin mo ang:

  • Pangalan at numero ng lisensya ng iyong kontratista
  • Paglalarawan ng kalat na kailangan mong alisin
  • Numero ng impormasyon ng assessor, o AIN

Kung kailangan mo ng tulong

Mga tanong tungkol sa paglilinis sa Ika-1 Yugto

Tawagan ang EPA sa 833-798-7372 (TTY: 711)

Tulong sa pagsagot sa form para sa pag-opt out

Higit pang impormasyon tungkol sa paglilinis at pag-aalis ng kalat

LA County Recovers

Saan napupunta ang kalat

Itatapon ng mga manggagawa ang mga kalat sa paraang napoprotektahan ang kalusugan ng publiko at ang kapaligiran.

Alamin pa sa Mga Kalat mula sa Wildfire sa Mga Landfill ng CalEPA.