Tulungan ang iyong negosyo
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Maghanap ng suporta at tulong para sa muling pagbangon ng lokal na negosyo.

Hanapin ang pinakamalapit na Business Recovery Center

Makakakuha ng tulong sa personal ang mga negosyo.

West Hollywood Chamber of Commerce

8272 Santa Monica Blvd.
West Hollywood, CA 90046

Mga oras na bukas: Huwebes - Sabado, 9 am hanggang 5:30 pm

Mga direksyon West Hollywood Chamber of Commerce

Women's Business Center

18700 Sherman Way, Suite # 112
Reseda, CA 91335

Mga oras na bukas: Lunes - Miyerkules, 8:30 am hanggang 5:30 pm

Paradahan: Likuran ng gusali sa Yolanda Ave.

Mga direksyon Women's Business Center

Santa Monica Chamber of Commerce

2525 Main Street, Suite #103
Santa Monica, CA 90405

Mga oras na bukas: Lunes - Biyernes, 9 am hanggang 5 pm

Mga direksyon Santa Monica Chamber of Commerce

Suporta para sa mga negosyo

Suporta para sa maliit na negosyo

ng Small Business Administration (SBA)

Deadline ng loan mula sa SBA: Marso 31, 2025

Maraming resource ang SBA para matulungan ang maliliit na negosyo at mga negosyante. Kabilang dito ang pagpopondo, pagsasanay, at adbokasiya.

Tulong sa emergency at sakuna para sa mga employer

ng Employment Development Department (EDD)

Nagbibigay ang EDD ng mga serbisyo para masuportahan ang mga employer na naapektuhan ng mga sakuna. Kabilang dito ang mga kabayarang tulong sa sakuna, mga palugit para sa mga pagbabayad, at mga ulat ng payroll.

Mga resource at mga hakbang para sa muling pagbangon ng negosyo

ng California Office of the Small Business Advocate (CalOSBA)

Nagbibigay ang CalOSBA ng mga resource at suporta para sa mga negosyo at manggagawa na naapektuhan ng mga wildfire. Kabilang dito ang pinansyal na tulong, mga programa sa muling pagbangon, at suporta sa workforce.

Tulong at relief sa buwis

Mga buwis sa kita ng negosyo

ng Franchise Tax Board (FTB)

Puwedeng ipagpaliban ng mga negosyong naapektuhan ng mga wildfire ang paghahain at pagbabayad ng mga buwis sa kita. Ang deadline para sa mga ito ay Oktubre 15, 2025 na. Ang County ng Los Angeles lang ang pinahintulutang magpaliban. Kung ang pangunahing lugar ng negosyo ay nasa labas ng County ng Los Angeles, dapat kang maghain at magbayad bago lumipas ang mga karaniwang takdang petsa.

Emergency na relief sa buwis sa pagbebenta o bayarin

ng CA Department of Tax and Fee Administration (CDTFA)

Makakuha ng emergency na relief mula sa mga multa at interes. Puwede ka ring makakuha ng mga kopya ng mga record ng buwis at ng hanggang 3 buwang palugit sa paghahain sa iyong mga buwis.

Mga buwis sa payroll

ng Employment Development Department (EDD)

Ang mga employer sa County ng Los Angeles at County ng Ventura na direktang naapektuhan ng Sunog sa Palisades ay puwedeng humiling ng hanggang dalawang buwang palugit. Ang mga negosyo ay puwedeng magkaroon ng mga palugit para maihain ang kanilang mga ulat ng payroll sa estado.

Buwis sa ari-arian

ng Estado ng California at County ng LA

Nagbigay ang estado ng palugit sa deadline ng buwis sa ari-arian para sa mga negosyong naapektuhan ng sunog sa LA. Puwede kang mag-apply para sa muling pag-assess sa buwis sa ari-arian sa Assessor ng County ng Los Angeles. Alamin pa ang tungkol sa mga muling pag-assess sa buwis sa ari-arian at mga paglipat ng halaga mula sa base na taon.