Ligtas na bumalik sa iyong tahanan
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Narito ang kailangan mong malaman bago ka bumalik sa iyong tahanan.

Mga mapa ng pinsalang dulot ng sunog

Gumamit ng mga mapa ng pinsala mula sa sunog sa Palisades at Eaton para malaman ang status ng iyong ari-arian.

Ina-assess ng mga tagasiyasat ng gobyerno ang lahat ng tahanan sa mga lugar na pinangyarihan ng sunog. Sa bawat tahanan, makakakita ka ng larawan at ng icon na may isa sa mga status na ito

  • Walang sira
  • Apektado
  • Maliit na pinsala
  • Malaking pinsala
  • Nasira
  • Hindi ma-access (hindi ma-access ng mga tagasiyasat ang ari-arian para makita kung may pinsala)

Kung walang icon sa iyong tahanan, hindi pa ito naa-assess ng mga tagasiyasat.

Kung nasira ang iyong tahanan, mag-save ng kopya ng larawan mula sa mapa ng pinsala. Puwede mo itong magamit kapag maghahain ka ng claim sa insurance.

Pagbalik sa iyong komunidad

Naalis na ang mga balakid sa lahat ng lugar na mga residente lang ang may access. Posibleng kailangan mo ng access pass para makapasok sa iyong komunidad. Puwede kang makakuha nito sa personal sa isang Disaster Recovery Center.

Pagpapalinis at pagpapaalis ng kalat

Ang paglilinis at pag-aalis ng kalat pagkatapos ng mga wildfire ay isang proseso na may 2 yugto.

Ang paglilinis ng mapanganib na basura ay Ika-1 Yugto. Libre, awtomatiko, at isinasagawa ito ngayon. Ina-assess at nililinis ng EPA ang bawat ari-arian.

Ang pag-aalis ng kalat ay Ika-2 Yugto. Libre ito kung mag-o-opt in ang mga may-ari ng ari-arian bago lumipas ang Marso 31, 2025.

Alamin pa ang tungkol sa paglilinis at pag-aalis ng kalat

Higit pang impormasyon

Ang County ng Los Angeles ay mayroong higit pang impormasyon tungkol sa paghahanda para makabalik sa tahanan pagkatapos ng sunog.