Mga vital record
Sunog sa Los Angeles Ngayong 2025

Ganito mapapapalitan ang mga certificate ng kapanganakan, pagkamatay, o kasal na nawala sa sunog.

Mga record mula sa iba pang estado

Makipag-ugnayan sa recorder ng county sa county kung saan naganap ang kapanganakan, kasal, o pagkamatay. Tingnan ang Saan Susulat para sa Mga Vital Record.

Mga record mula sa California

Para mag-apply online

Gamitin ang mga form na ito para mapapalitan ang mga certificate na ibinigay sa California.

Libre ang pagpapapalit para sa mga record na nawala sa sunog.

  1. I-click ang link sa record na kailangan mo para magsimula ng application (kapanganakan, kasal, o pagkamatay).
    • Puwede mo itong sagutan sa online at i-save ang iyong gawa.
    • Kung mag-a-apply para sa ibang tao, maghandang mag-upload ng dokumentasyon na magpapatunay sa iyong kaugnayan.
  2. Lagdaan at i-upload ang isang sinumpaang salaysay kasama ng iyong application.
    • I-click ang I-print at Lagdaan para i-print ang application. Dalhin ito sa isang notaryo publiko.
    • Sa presensya ng notaryo, lagdaan ito sa personal. Pagkatapos ay nonotaryohan nila ito.
  3. I-scan o kunan ng larawan ang ninotaryohang aplikasyon, pagkatapos ay bumalik at i-click ang I-print at Lagdaan.
    • Puwede kang gumamit ng isang ninotaryohang salaysay para sabay-sabay na mag-apply para sa higit sa isang record.
  4. Sundin ang mga tagubilin para ma-upload at maisumite ang iyong application.
    • Puwede mo ring isumite ito sa pamamagitan ng fax.

Mga online na form

Kapanganakan
Kasal
Pagkamatay

Para mag-apply sa personal

Bisitahin ang:

  • Isang Disaster Recovery Center, o
  • Ang tanggapan ng recorder ng county sa county kung saan nangyari ang kapanganakan, kasal, o pagkamatay.

Para mag-apply sa pamamagitan ng koreo

  • I-print ang application para sa record na kailangan mo.
  • Sagutan, ipanotaryo, at ipadala ito sa pamamagitan ng koreo ayon sa mga instruksyon.